Lunes, Enero 14, 2019

epekto ng beuty kontes sa lipunan

          💃Sa aking opinyon naniniwala ako na malaki ang maitutulong ng pag daos ng beauty kontes sa ating bansa dahil maaari itong maging isang mabuting halimbawa para sa mga tao sa ating bansa at komunidad. Marami din mga nagiging plataporma upang makatulong sa ibat ibang paraan gaya ng hakbang sa karapatan ng kababaihan, hakbang upang mapahinto ang pag gamit ng droga at iba pa. Isa pang dahilan para makatulong sa ating bansa ang beauty kontes ay ang pagkakaroon ng koneksyon sa ibat ibang bansa. Isa ito sa paraan upang magkaroon ng kasunduan sa pagkakaron ng kalakalan sa ibang bansa. Isa din ang pagkakabuo ng pagkakaibigan ng bawat bansa upang magtulungan mapaunlad ang bawat isa at tulungan lalo na sa pag harap sa sakuna. 

          Isa pa ay ang pagpapalaganan ng turismo sa ating bansa. mas maeengganyong bumisita ang mga taga ibang bansa sa ating lugar pag nalaman nila ang mga magagandang lugar at cultura ng ating bansa.Maaari din silang maengganyong mag tayo ng mga negosyo sa ating bansa. Isa rin itong paraan upang mas bigyan tyo ng respeto ng ibang bansa at hindi tayo mamaliitin. Marami pang mga positibo na epekto ang beauty kontes sa ating lipunan. kelangan lang din natin itong pag igihin at bigyang pansin.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento