Huwebes, Marso 28, 2019

Final Exam

Kaugnay na larawan

               The animal that would represent me is a dog. I choose this animal because i am always submissive to my parents. I always follow the instructions they gave me as their child. Because I know what ever they told me will be advantageous and will benefit me because they love me and they will never tell me anything that will harm me.

              Dog is also a very friendly animal which represents me. I can be your bestfriend if you just show me something good. I can be your companion. A dog can quickly learn to obey commands or just a fast learner just like me. Dogs are very adventurous too and I love adventure that's why I choose a dog to represent me.



             I think the grade that will fit my performance is 1.75. :) Because I did my best in doing all the requirements in this subject. I seldomly absent in this subject because I am a graduating student and this subject is so interesting. I will learn to blog and vlog at the same time. So a 1.75 grade would be great. :) thanks to Sir Jon :)


                                                                                                     


Lunes, Marso 4, 2019

Ang Bayang Pilipinas


Resulta ng larawan para sa bansang pilipinas

Sabi nila, mayaman raw sana ang Pilipinas kung hindi kurakot ang mga namumuno dito. Karamihan ay nagsasabi na kaya raw hindi umuunlad ang Pilipinas ay dahil sa gobyerno at sa mga pinunong sakim sa kapangyarihan at kayaman. Lahat ng sisi ay ibinabato sa gobyerno. Ang mga mamamayan ang laging biktima. Walang umaamin ng kasalanan.


Para sakin ay may kasalanan din ang mamamayan ng Pilipinas bakit hindi naunlad ang ating bansa. Sa kadahilanan na ang mga mamamayan din natin ang nag luluklok sa mga tao sa gobyerno. marami sa ating mga mamamayan ang hindi maayos na nag iisip o sinasaliksik ang mga tao na tumatakbo sa gobyerno. kadalasan lng ng mga binoboto ng mga mamamayan natin ay ang ung mga sikat. kagaya na lng sa napanood kong isang video sa news. tinanong ang ilang sa mga mamamayan natin kung bakit nila iboboto itong kandidato na to kahit alam naman nilang may kinakasangotan itong kaso tungkol sa kurapsyon at nakulong ito. ang sagot ng ilan ay hindi sila naniniwala dito dahil mayaman daw ang pulitiko na ito. mabait din daw ito at gwapo. nakakadismaya lng ang mga sagot ng mga ilan sa mga mamamayan natin.

Isa na din ang sa mga nakikita kong dahilan ay ang kawalan ng mga disiplina. Ultimo mga batas lng ng trapiko ay hindi masunod sunod. marami pa din ang sumusuway. Sa simpleng pag tapon ng basura sa tamang tapunan ay kadalasan hindi ginagawa. kahit saan na lng nag tatapon ang karamihan. Kaya ang mga ilang lugar sa ating bansa ay napeperwisyo. kagaya ng ilog pasig, manila bay at ilang pang mga lugar. dahil dito ay nag babaha at napopollute ang ilang lugar sa ating bansa.


Ang pagbabago ay mag-uumpisa hindi sa ibang tao kung hindi sa ating sarili. Ang pagbabago ay maguumpisa sa paglaban natin sa pagiging makasarili natin at sa pagaaral natin na mahalin ang kapwa. Ang lahat ng Pilipino ay dapat matutong disiplinahin ang kanyang sarili at mahalin ang kanyang bansa.

Halalan 2019

Resulta ng larawan para sa philippine senate



Ang senado ng Pilipinas ay mataas na kapulungan ng tagapag batas ng Pilipinas. Binubuo ang senado ng 24 na senador. Hindi biro ang pagiging parte ng senado. Nagsisilbi ang mga senador sa anim na taong termino. Nangangailangan ka ng talino at kaalaman sa pag gawa ng batas para sa bayan kasama na din ang pagkakaroon ng malasakit sa ating Inang Bayan.

Ang mga criteria na hinahanap ko sa mga tatakbo bilang senador ay ang mga sumusunod. Unang una ay ang isang natural born Filipino. Sa kadahilanan na dapat natural na Filipino ang magsisilbi din sa kanyang bayan. Ang pangalawa ay ang pagkakaroon ng malasakit sa bayan lalo na sa mga naninirahan dito. kailangan ay iniisip din nya ang mga epekto nang gagawin nilang mga batas sa bayan at sa mga naninirahan sa pilipinas. Ang pang huli ay ang pagkakaroon ng magandang edukasyon dahil kailangan ng isang matalino at matalas na pag iisip upang maka buo sila ng mga batas na nararapat sa ating bansa.

Biyernes, Marso 1, 2019

Ang Aking Pagtatapos


🎓

 Ang aking pag aaral ay inilalaan sa aking mga magulang dahil sila ang nag sakripisyo upang ako ay magkaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng pag bigay nila sa akin ng magandang edukasyon sa isang magandang eskwelahan.🏫 Sa aking pag tatapos sa kolehiyo ay isang malaking achievement para sa akin dahil magkakaron na ko ng mas maayos na kinabukasan at magagamit ko ito upang maka hanap ng maayos na trabaho. bukod pa dito ay makakatulong na din ako sa magulang ko sa mga ibang gastusin sa bahay. 


 Inilalaan ko din ang aking pag tatapos sa aking asawa at aking magiging anak. Sa pag tatapos kong eto ay ang panimula ng panibagong yugto ng akin buhay. dahil papasukin ko naman ang pag tatrabaho. Gagamitin ko ang aking pinag aralan upang maka kuha ng maayos na trabaho para sa akin pamilya. 📚
 Ang aking pamilya ang naging inspirasyon ko upang magpatuloy at mag tapos ng aking pag aaral. Sila ang pinag huhugutan ko ng lakas at determinasyon upang makatapos ng pag aaral. Sa araw ng aking pag tatapos ay sakanila ko ito inaalay. walang katumbas ang kanilang sakripisyo at tulong sa akin upang ako ay mapag aral at mapag tapos. Edukasyon ang pinaka mahalagang pamana sa akin ng aking magulang. 🎉🎉🎉