Ang senado ng Pilipinas ay mataas na kapulungan ng tagapag batas ng Pilipinas. Binubuo ang senado ng 24 na senador. Hindi biro ang pagiging parte ng senado. Nagsisilbi ang mga senador sa anim na taong termino. Nangangailangan ka ng talino at kaalaman sa pag gawa ng batas para sa bayan kasama na din ang pagkakaroon ng malasakit sa ating Inang Bayan.
Ang mga criteria na hinahanap ko sa mga tatakbo bilang senador ay ang mga sumusunod. Unang una ay ang isang natural born Filipino. Sa kadahilanan na dapat natural na Filipino ang magsisilbi din sa kanyang bayan. Ang pangalawa ay ang pagkakaroon ng malasakit sa bayan lalo na sa mga naninirahan dito. kailangan ay iniisip din nya ang mga epekto nang gagawin nilang mga batas sa bayan at sa mga naninirahan sa pilipinas. Ang pang huli ay ang pagkakaroon ng magandang edukasyon dahil kailangan ng isang matalino at matalas na pag iisip upang maka buo sila ng mga batas na nararapat sa ating bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento