Sabi nila, mayaman raw sana ang Pilipinas kung hindi kurakot
ang mga namumuno dito. Karamihan ay nagsasabi na kaya raw hindi umuunlad ang
Pilipinas ay dahil sa gobyerno at sa mga pinunong sakim sa kapangyarihan at
kayaman. Lahat ng sisi ay ibinabato sa gobyerno. Ang mga mamamayan ang laging
biktima. Walang umaamin ng kasalanan.
Para sakin ay may kasalanan din ang mamamayan ng Pilipinas bakit hindi naunlad ang ating bansa. Sa kadahilanan na ang mga mamamayan din natin ang nag luluklok sa mga tao sa gobyerno. marami sa ating mga mamamayan ang hindi maayos na nag iisip o sinasaliksik ang mga tao na tumatakbo sa gobyerno. kadalasan lng ng mga binoboto ng mga mamamayan natin ay ang ung mga sikat. kagaya na lng sa napanood kong isang video sa news. tinanong ang ilang sa mga mamamayan natin kung bakit nila iboboto itong kandidato na to kahit alam naman nilang may kinakasangotan itong kaso tungkol sa kurapsyon at nakulong ito. ang sagot ng ilan ay hindi sila naniniwala dito dahil mayaman daw ang pulitiko na ito. mabait din daw ito at gwapo. nakakadismaya lng ang mga sagot ng mga ilan sa mga mamamayan natin.
Isa na din ang sa mga nakikita kong dahilan ay ang kawalan ng mga disiplina. Ultimo mga batas lng ng trapiko ay hindi masunod sunod. marami pa din ang sumusuway. Sa simpleng pag tapon ng basura sa tamang tapunan ay kadalasan hindi ginagawa. kahit saan na lng nag tatapon ang karamihan. Kaya ang mga ilang lugar sa ating bansa ay napeperwisyo. kagaya ng ilog pasig, manila bay at ilang pang mga lugar. dahil dito ay nag babaha at napopollute ang ilang lugar sa ating bansa.
Ang pagbabago ay mag-uumpisa hindi sa ibang tao kung hindi
sa ating sarili. Ang pagbabago ay maguumpisa sa paglaban natin sa pagiging
makasarili natin at sa pagaaral natin na mahalin ang kapwa. Ang lahat ng
Pilipino ay dapat matutong disiplinahin ang kanyang sarili at mahalin ang
kanyang bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento