Ang aking
pag aaral ay inilalaan sa aking mga magulang dahil sila ang nag sakripisyo
upang ako ay magkaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng pag bigay
nila sa akin ng magandang edukasyon sa isang magandang eskwelahan.π« Sa aking pag
tatapos sa kolehiyo ay isang malaking achievement para sa akin dahil magkakaron
na ko ng mas maayos na kinabukasan at magagamit ko ito upang maka hanap ng
maayos na trabaho. bukod pa dito ay makakatulong na din ako sa magulang ko sa
mga ibang gastusin sa bahay.
Inilalaan ko din
ang aking pag tatapos sa aking asawa at aking magiging anak. Sa pag tatapos
kong eto ay ang panimula ng panibagong yugto ng akin buhay. dahil papasukin ko
naman ang pag tatrabaho. Gagamitin ko ang aking pinag aralan upang maka kuha ng
maayos na trabaho para sa akin pamilya. π Ang aking pamilya
ang naging inspirasyon ko upang magpatuloy at mag tapos ng aking pag aaral.
Sila ang pinag huhugutan ko ng lakas at determinasyon upang makatapos ng pag
aaral. Sa araw ng aking pag tatapos ay sakanila ko ito inaalay. walang katumbas
ang kanilang sakripisyo at tulong sa akin upang ako ay mapag aral at mapag
tapos. Edukasyon ang pinaka mahalagang pamana sa akin ng aking magulang. πππ
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento